Arawang kaso ng COVID-19 sa Japan, lumagpas na sa 200,000

Arawang kaso ng COVID-19 sa Japan, lumagpas na sa 200,000

UMABOT sa rekord na 209,694 ang pang araw-araw na kaso ng coronavirus sa Japan kung saan ang mga health expert ay humihimok ng maximum vigilance habang ang bansa ay patuloy na nakikipaglaban sa ikapitong wave ng impeksyon na dulot ng highly transmissible na BA.5 Omicron subvariant.

Sa kabila ng muling pagtaas ng mga kaso ay hindi pa rin nagpataw ng mga health restriction ang bansa dahil hangad ni Prime Minister Fumio Kishida na mapanatili ang balanse ng socioeconomic activities at mga hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

Umabot naman sa 311 ang bilang ng mga pasyente na may malubhang sintomas ng COVID-19 habang 129 naman ang bilang ng mga nasawi.

Samantala, nakapag-ulat ng karagdagang 29,036 na mga bagong kaso ang Tokyo habang 21,860 naman sa Osaka prefecture at itinaas ang alert level nito sa pinakamataas sa tatlong antas sa unang pagkakataon sa loob ng 3 buwan.

Follow SMNI NEWS in Twitter