BIDA ngayon sa historial musical na ‘Lapu-lapu’ ang singer at musical theater actor na si Arman Ferrer.
Ito ang unang handog ng muling pagbubukas ng The Metropolitan Theater (MET) mula nang magsara ito noong 1996, dalawampu’t limang taon na ang nakararaan.
Ipalalabas via streaming ang musical play na ‘Lapu-lapu, ang Datu ng Mactan’ sa Oktubre a-bente kwatro sa Facebook page ng MET.
Mapapanood din ito sa FB pages ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA), Radio Television Malacañang (RTVM), Presidential Communications Operations Office (PCOO), National Historical Commission of the Philippines (NHCP), National Quincentennial Committee (NQC), at iba pang partner institutions.
Kabilang sa main cast ng Lapu-lapu sina Andre Tiangco bilang Ferdinand Magellan, Red Nuestro bilang Rajah Humabon, at Cara Barredo bilang Reyna Juana, Natasha Cabrera bilang Babaylan, Paw Castillo bilang Enrique de Malacca, at Robert Barbers bilang Juan Sebastian de Elcano.






Katuwang sa production ang NCCA Arts Ambassador at Miss Universe 2018 na si Catriona Gray, at ang public historian na si Xiao Chua.