Army Chief pinaalala sa 3ID ang kahalagahan ng pagsasanay at kahandaan

Army Chief pinaalala sa 3ID ang kahalagahan ng pagsasanay at kahandaan

IPINAGDIWANG ng 3rd Infantry Division (3ID) ang kanilang ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag kasama ang commanding general ng Philippine Army (CGPA) na si Lt. Gen. Roy M. Galido bilang guest of honor at speaker.

Ang nasabing selebrasyon ay ginanap sa 3ID Grandstand, Camp. Gen. Macario B. Peralta Jr., Jamindan, Capiz.

Sa naturang aktibidad, binigyan ng parangal ni CGPA Galido ang mga personahe ng 3ID bilang pagkilala sa kanilang hindi matatawarang dedikasyon sa kanilang mandato at responsibilidad sa tao at sa bayan.

Sa kaniyang talumpati, pinuri ng Army Chief ang tropa ng 3ID dahil nagsilbi itong haligi sa pagpapalakas ng seguridad ng bansa lalo na sa pagiging katuwang nito sa lahat ng ahensiya ng gobyerno sa pagkamit ng kapayapaan at kaunlaran sa rehiyon ng Visayas.

Dagdag pa dito, hinikayat din ng CGPA ang tropa na mas pag-ibayuhin pa at mas palakasin pa ang mga ginagawang pagsasanay.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter