UPANG makapagbigay ng trabaho sa kaniyang nasasakupan, ginawa ni Apayao Governor Elias Bulut Jr. ang Army Recruitment Program para sa mga kabataan na nais mapabilang sa kasundaluhan.
Hustisya, Kapayapaan at Kaayusan.
Ilan lamang ito sa mga pinaka-importanteng aspeto na tinitignan at ipinapatupad ng bawat lokal na pamahalan dito sa bansa.
Ngunit papaano ito makakamit ng isang local official kung kulang ang bilang ng mga nagpapatupad ng batas at nagbabantay sa seguridad ng bawat mamamayan.
Kaya naman para makamit ang isang mapayapa, maayos at maunlad na lalawigan naisipan ni Apayao Governor Elias Bulut Jr. na gumawa ng programa para makapang-recruit ng mga kabataan upang magamit sa kanilang lugar.
“Kapag magulo ang lugar hindi talaga uunlad ito, so i initiated personally kung anong magandang gawin maghanap tayo, we have to choose young people kabataan na pwedeng gawing sundalo nagkaroon kami ng parang recruitment ng kasundaluhan we assisted them so as of today we have about 75 enlisted personel in the Army as a result of that program so unti-unti nawala yung impluwensya ng CPP-NPA sa probinsya,” ayon kay Gov. Elias Bulut Jr.
Sa pamamagitan din aniya ng nasabing programa ay makapabibigay ito ng trabaho para sa mga mahihirap na pamilya sa kanilang lugar.
“We have to choose young people kabataan na pwedeng gawing sundalo pwedeng gawing pulis tulungan natin sila so among the 4,300 households or families na listed sa poorest of the poor sa probinsya dito kami kumuha ng mga recruit naming,” saad nito.
Kaugnay nito sa panayam ng SMNI News kay Maj. Rigor Pamittan, tagapagsalita ng 5th Infantry Division, araw ng Huwebes, sinabi nito na sa pamamagitan ng naturang programa ay maraming problema ang mabibigyan ng solusyon.
Kagaya na lamang ng pagbibigay ng trabaho, pagwakas sa insurhensiya, at pagpapa-angat sa buhay ng mga dating rebelde.
“Sapagkat sa pamamagitan nito ay mas maraming kabataan ng apayao ang na eengganyo na mapabilang doon sa hanay ng kasundaluhan sa 5thID at nakikita dito ng PLGU Apayao na nakakatulong itong programa nila para wakasan ang insurhensiya sa kanilang lalawigan at makatulong sa pag-angat ng emploment rate provincial government of apayao ay makatulong sa pag-angat ng kabuhayan ng ating mga former rebels lalong-lalo na ang lalo na sa mga kabataan na sa depressed areas ng apayao provinxe,” ani Maj. Rigor Pamittan spokesperson, 5th Infantry Division PA.
Dagdag pa ni Maj. Pamittan na walang binanggit si Governor Bulut na halaga ng pondo na kaniyang ibibigay para sa nasabing programa ngunit handa itong tumulong hangga’t may nais pumasok sa Philippine Army.