Mga tropa ng Armor ‘’Pambato’’ Division, binisita ng pinuno ng Philippine Army

Mga tropa ng Armor ‘’Pambato’’ Division, binisita ng pinuno ng Philippine Army

PINANGUNAHAN ni Army Commanding General Lt.Gen Roy Galido ang pagpapasalamat ng buong hanay nito sa mga kontribusyon ng Armor “Pambato” Division sa mga misyong ipinagkatiwala sa mga ito partikular na sa Hilagang Luzon.

Aminado ang heneral na hindi makakaya ng Philippine Army ang mga hamon nito kung wala ang suporta ng lahat para gampanan ang tungkulin ng bawat isa.

Ilan sa mga tinututukan ng hanay nito ang counter insurgency, at pagpapanatili na maprotektahan ang kapakanan ng mga mamamayan sa North Luzon.

Ani Galido, para higit na mapabuti pa ang trabaho nila, hinikayat nito ang mga sundalo na paigtingin ang pagpaplano at pagtutulungan para sa mas malakas na Hukbong Sandatahan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble