NAG-CRASH ang Army training helicopter ng Thailand at nagdulot ito sa pagkasawi ng 2 crew.
Ikinamatay ng dalawang tripulante noong Martes ng umaga galing sa isang training flight mula sa Army Aviation Center sa Lop Buri dahil sa bumagsak at nagliyab ang Army training helicopter na kanilang sinakyan.
Sinabi ng source na ang helicopter, na ginawa ng Enstrom helicopter corporation sa United States, ay bumagsak 9:40 ng umaga sa tabi ng isang post office sa harap ng Jiraprawat Army camp, sa Muang district ng Nakhon Sawan province.
Nakilala ang mga nasawi na sina Lt. Col Panpong Banchongplian, isang flying instructor, at Cpl. Chanakorn Piamcharoen, isang aviation student.
Bumagsak ang helicopter habang nasa training flight kasama ang iba pang helicopter.
Matatandaan na bumili ang hukbo ng 22 Enstrom 480b helicopter mula sa Enstrom helicopter corporation sa dalawang batch – ang unang labing anim noong 2011 at ang pangalawang anim noong 2019.
Samantala, ang bumagsak na helicopter ay iniulat na nagkakahalaga ng 74-M Baht.