Arnie Teves ‘di pisikal na dadalo sa arraignment sa Murder Degamo Case

Arnie Teves ‘di pisikal na dadalo sa arraignment sa Murder Degamo Case

HINDI pisikal na dadalo si dating Cong. Arnie Teves sa nakatakda niyang arraignment bukas sa Manila RTC Branch 51 para sa Degamo Murder Case.

‘Yan ang kinumpirma ng kaniyang lead counsel na si Atty. Ferdinand Topacio.

Haharap umano si Teves sa pamamagitan ng video teleconferencing, habang ang mga abogado nito ay pisikal na haharap sa korte.

“Cong. Teves to appear via video teleconferencing,” pahayag ni Atty. Ferdinad Topacio, Lead Counsel ni Arnie Teves.

Una nang dumalo sa arraignment si Teves sa Manila RTC Branch 12 para sa kasong illegal possession of explosives at illegal possession of firearms.

Hindi ito nagpasok ng plea.

Sabi ni DOJ Spokesperson Asec. Mico Clavano na posibleng paraan ito ng kabilang kampo para hindi sila magkaroon ng hurisdiksyon kay Teves, pero tuloy pa rin umano ang paggulong ng kaso laban sa dating kongresista.

Matatandaan na ang korte na ang nagpasok ng not guilty plea para sa kaniya matapos nitong igiit ang kaniyang karapatan “to remain silent.”

Sinabi na rin ng kampo ni Teves na iniimbestigahan ng Timor-Leste Parliament ang ginawang pag-aresto kay Teves, sakabila ng may inilabas na habeas corpus ang korte at hindi nito pinagbigyan ang extradition ng dating kongresista.

Sinabi naman ni Clavano na ang executive department ang nakausap nila para sa deportasyon ni Teves at hindi na problema ng Pilipinas kung napauwi ito ng bansa.

Hindi pagpasok ng plea ni Arnie Teves sa naunang arraignment, delaying tactic— Janice Degamo

Naniniwala naman ang biyuda ni Roel Degamo na si Janice Degamo na hindi totoo ang sinasabi ni Teves na gusto nito maging mabilis ang paglilitis sa kaniyang mga kaso kasunod ng hindi niya pagpasok ng plea.

“It’s a legal strategy in my belief to further delay (the case) sa tingin ko,” ayon kay Janice Degamo, Biyuda ni Roel Degamo.

Saad pa ni Degamo, hindi na dapat maging isyu ang pagpapa-deport kay Teves.

“Because he is back in the Philippines. The Philippines has its own laws. Anong ibig niyang sabihin? Ibabalik siya doon because of that investigation? I don’t think that is the real reason. I think that it’s still part of their strategy,” dagdag ni Janice Degamo.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble