KUNG ang convicted drug mule na si Mary Jane Veloso ay nakauwi na ng bansa at ipinasok sa Women’s Correctional sa Mandaluyong para sa kaniyang sentensiya na habambuhay na pagkakabilanggo, si Cassandara Li Ong naman ay nakalabas na ng Correctional ayon sa kaniyang abogado na si Atty. Ferdinand Topacio.
“Two days ago, Cassey Li Ong had already been discharge from detention from Correction Institute of Women,” ani ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, Legal Counsel ni Cassie Ong.
Si Ong ay naikulong noon matapos itong i-cite for contempt ng Kamara.
Ayon sa abogado, wala pang naisasampang kaso laban sa kaniyang kliyente.
Ang mga reklamo laban kay Ong tulad ng human trafficking at money laundering, ay nasa Department of Justice (DOJ) pa lamang at iniimbestigahan.
Si Ong ay sinasabing authorized representative ng isang POGO firm sa Porac, Pampanga na ayon sa mga awtoridad ay sangkot umano sa mga ilegal na aktibidad.
Sa ngayon ay nakalabas na ng kulungan ang kaniyang kliyente matapos tanggalin ng mga kongresista ang pangalawang contempt order laban sa kaniya.
Ang pangalawang contempt order kay Ong ay inisyu noong Setyembre dahil umano sa pag-iwas nito sa mga tanong ng Kamara.
Buwan ng Agosto nang ma-intercept si Ong kasama si Sheila Guo na kapatid ni Alice Guo sa Indonesia.
Sa pagbalik nila dito sa Pilipinas, si Cassy Ong ay pansamantalang dinetine sa National Bureau of Investigation-bagay na ayon kay Topacio ay ilegal dahil wala naman aniyang kaso sa bansa ang kaniyang kliyente.
Utos umano ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang pagpapa-detain sa kaniya sa NBI.
Dahil dito ayon kay Topacio, dapat na mapanagot dito ang kalihim.
Atty. Topacio, ayaw nang magkomento sa extradition case vs. Ex. Cong. Arnie Teves
Samantala, minabuti na ni Topacio na hindi na magkomento sa extradition case ng gobyerno laban kay dating Congressman Arnie Teves.
Sa nangyaring re-trial sa Court of Appeal (CA) ng Timor-Leste, pumabor ang korte sa pagpapabalik kay Teves sa Pilipinas.
Ayon sa DOJ, kahit pa umapela ang kampo ni Teves ay hindi na mababaliktad pa ang desisyon ng korte.
“DOJ said it all. And out of respect to the Timor-Leste Government, I will decline, to comment,” ani Topacio.