NASANGKOT sa isang multi-vehicle crash ang Hollywood actor at dating California Governor Arnold Schwarzenegger.
Base sa report ng Los Angeles Police Department, nangyari ang aksidente dakong alas4:00 ng hapon nitong Biyernes sa West sunset boulevard sa California kung saan minamaneho ng aktor ang kanyang Yukon SUV at dahil sa tindi ng aksidente, umibabaw pa ang sasakyan ni Arnold.
Ayon sa ulat ng LAPD, wala namang tinamong sugat ang aktor pero isa ang nagtamo ng minor injuries na agad dinala sa ospital.
Sa ngayon, patuloy pang-iniimbestigahan ang insidente.