MAYROONG patellofemoral pain syndrome o runner’s knee si Arvin Tolentino kung kaya’t hindi ito nakapaglaro para sa Northport Batang Pier sa quarterfinals game kontra Barangay Ginebra San Miguel nitong Enero 19, 2024.
Ang runner’s knee ay pananakit sa paligid na harap na bahagi ng tuhod.
Sa naging laro, natalo ng Barangay Ginebra ang Northport sa iskor na 106-93 kung kaya’t nag-exit na ang kanilang koponan sa PBA Commissioner’s Cup.
Samantala, ang Barangay Ginebra ay maglalaro bukas Enero 24, 2024, simula 8:00 ng gabi kontra San Miguel Beermen.