DAVAO CITY — Personal na bumisita si Astra Pimentel-Naic, first nominee ng Ang Bumbero ng Pilipinas Party-List, sa tahanan ni former President Rodrigo Roa Duterte kamakailan, bilang pagpapakita ng patuloy na suporta sa dating lider ng bansa.
Kasama rin si Astra sa isinagawang Green Rise Action Sunday—isang prayer event na isinabay sa panawagan para sa pagbabalik ni FPRRD sa Pilipinas. Ayon sa kanya, ang panalangin ay hindi lamang para sa kaligtasan at proteksyon ng dating Pangulo, kundi pati na rin sa pag-asa ng maraming Pilipino na muling makita siyang aktibo sa pambansang usapin.
Sa kanyang talumpati, nanawagan si Astra sa mga botante na suportahan ang DuterTEN slate sa Senado, pati na rin ang mga party-list na kaalyado ni FPRRD, upang matiyak aniya na mananatiling malakas ang boses ng masa sa loob ng Kongreso.
Matagal nang kilala si Astra Pimentel-Naic bilang solidong kasapi ng PDP-Laban at isa sa mga pinaka-aktibong tagasuporta ni dating Pangulong Duterte sa larangan ng grassroots organizing at public service.