Asya, mananatiling para sa mga Asyano—Pastor ACQ

Asya, mananatiling para sa mga Asyano—Pastor ACQ

MANANATILING para sa Asya ang mga Asyano sa kabila ng patuloy na panghihimasok ng mga Amerikano sa rehiyon.

Ito ang sinabi ni Pastor Apollo C. Quiboloy nang tanungin ito sa programa ng SMNI na “The Deep Probe” patungkol sa nakikita nitong ‘end game’ sa panghihimasok ng Amerika sa Asya.

“Whether America likes it or not, Asia is for Asians,” pahayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy, The Kingdom of Jesus Christ.

Ani Pastor Apollo, sa katunayan ay posibleng mas masolusyunan pa ng mga bansa sa Asya ang mga problema nito kung hindi mangingialam ang Amerika.

Amerika, dapat tanggapin na isa nang ‘multipolar’ ang mundo—Pastor ACQ

Giit ni Pastor Apollo, gustuhin man o hindi ng Amerika ay hindi nito mapipigilan na magkaroon ng ‘multipolar world’, inihalimabawa ito ni Pastor Apollo sa paglitaw ng BRICS.

Samantala, ang BRICS ay binubuo ng mga bansang Brazil, Russia, India, China at South Africa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter