MAGKAKAROON na ng bagong at mas fresh na bersiyon ang 2017 Thai thriller film na Bad Genius, na idinirek ni Nattawut Poonpiriya. Mula sa isang pelikula, gagawin itong serye sa Philippine adaptation.
Bibigyang buhay ito ng main character na si Atasha Mulach bilang Linette Estrella o Lin na isang leading role.
Makakasama ni Atasha sa series sina Jairus Aquino, Hyacinth Callado, Gab Lagman, Grace Ann dizon, at Patrick Tioseco.
Sinabi naman ng direktor na si Derick Cabrido, na mas lalong magkakaroon ng malalim na pag-intindi sa series ang mga viewers sa mga karakter lalo na sa kuwento nito.
From positive and Jolly Atasha, matutunghayan sa series ang kaniyang ‘different side’ na more serious.
Sinabi rin ni Atasha na kinakabahan siya sa kaniyang role pero nangako na ibibigay niya ang kaniyang 100%.
Follow SMNI News on Rumble