NAGPASABOG ng kagandahan ang dalagang anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales na si Atasha Muhlach sa isang sa prestihiyosong Le Bal Des Debutantes sa Paris, France.
Kasama ni Atasha ang kanyang kakambal na si Andres Muhlach na nagsilbing escort niya sa nasabing fashion event.
Isa ang dalaga sa 20 kabataang babae na inimbita sa naturang charity ball sa Paris, kung saan ipinamalas nga nila ang kanilang angking ganda at haute couture gowns para sa makabuluhang dahilan.
Samantala, isa rin si Heart Evangelista sa mga naimbitahang dumalo sa prestihiyosong Paris Debutante Ball.
Sa Instagram, ibinahagi ni Heart ang ilang mga kaganapan sa nasabing event kung saan kasama nito ang Philippine Tatler editor na si Anton San Diego at mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzales.
Isinaad din ng aktres kung gaano siya ka-proud sa anak nina Aga at Charlene na si Atasha na nagsilbing kinatawan ng bansa para sa nasabing event.
Ang Le Bal Des Debutantes ay isang by-invitation-only ball kung saan iniimbitahan lamang ang mga high-profile personalities, Hollywood elite, royal houses, at mga pamilya na may prestihiyosong backgrounds.