Ateneo, nakuha ang ikalawang panalo nito sa Season 85 ng UAAP matapos talunin ang NU

Ateneo, nakuha ang ikalawang panalo nito sa Season 85 ng UAAP matapos talunin ang NU

NAKUHA ng Ateneo Blue Eagles ang ikalawang sunod na panalo nito sa Season 85 ng UAAP Mens Basketball matapos nitong talunin ang National University (NU) sa iskor na 77-60.

Nagawang kumalas ng Blue Eagles sa Bulldogs kung saan lumamang ito ng hanggang 22 points.

Itinanghal na Player of the Game ang reigning MVP na si Ange Kouame na mayroong 17 points, double rebounds, 3 assists at 3 blocks.

Sinundan ito ni Forthsky Padrigao na mayroong 13 points, 5 assists, at 3 steals habang si Dave Ildefonso naman ay mayroong 12 points.

Masaya naman sa naging performance ng ADMU ang head coach nitong si Tab Baldwin at natutuwa rin ito sa pagkapanalo ng Ateneo sa NU dahil sa alam niyang magaling ding team ang Bulldogs.

Mayroon nang 2-0 standing sa ngayon ang Ateneo ngayong season kung saan kaparehas nila ang defending champion na University of the Philippines.

 

Follow SMNI News on Twitter