Atty. Cruz-Angeles: P20/Kilo na bigas, gimik lamang at hindi tunay na solusyon

Atty. Cruz-Angeles: P20/Kilo na bigas, gimik lamang at hindi tunay na solusyon

Mayo 1, 2025 – Maynila – Matapos ang muling paglulunsad ng ₱20 kada kilong bigas sa ilang bahagi ng bansa, hindi napigilan ni Atty. Trixie Cruz-Angeles, dating Press Secretary, na ihayag ang kanyang matinding kritisismo laban sa programa, na aniya’y hindi tunay na solusyon sa problema sa agrikultura at kahirapan, kundi isang “pampalubag-loob na may bahid ng pamumulitika.”

Giit ni Angeles, sa halip na palakasin ang lokal na produksiyon ng bigas at ayusin ang logistics system sa agrikultura, mas piniling bumili ang gobyerno ng bigas gamit ang pondo ng taumbayan na maaaring ginagamit bilang porma ng vote buying ngayong eleksiyon.

“Vote buying is vote buying. Kahit sino ang gumawa, perks lang ang gobyerno — may rule sila, pero maaaring i-challenge pa yan,” aniya.

Binanggit din ni Angeles ang kawalan ng malinaw na alokasyon sa General Appropriations Act (GAA) para sa nasabing subsidized rice program. Aniya, mistulang hindi dokumentado ang pondong pinanggalingan ng pamimigay ng murang bigas, na maaaring may implikasyon sa transparency at accountability ng pamahalaan.

“Saan manggagaling ang pera? Nasa GAA ba ‘yan? Kung hindi ito malinaw, nakakadagdag lang ito sa pagdududa ng publiko,” dagdag pa niya.

Dagdag pa ni Angeles, ang ₱20 na bigas ay hindi nakatulong upang maibsan ang galit ng publiko, kundi nagpaalala pa sa mga kabiguan ng administrasyong Marcos Jr.—lalo na sa sektor ng agrikultura na hanggang ngayon ay kinakaharap pa rin ang mga lumang problema gaya ng mababang kita ng magsasaka, mataas na farm inputs, at kawalan ng modernisasyon.

Bilang huling punto, sinabi ng dating opisyal na sa halip na ituon sa mga panlabas na isyu tulad ng tensyon sa China, dapat ay bigyang-pansin ng administrasyon ang mga batayang suliranin ng bansa gaya ng kahirapan, gutom, at kakulangan sa trabaho.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble