Atty. Glenn Chong: Resulta ng botohan sa 2025 midterm election matagal nang nakaprograma sa COMELEC

Atty. Glenn Chong: Resulta ng botohan sa 2025 midterm election matagal nang nakaprograma sa COMELEC

HINDI talaga mapagkakatiwalaan ang resulta ng 2025 midterm election ayon kay Atty. Glenn Chong, isang kilalang anti-electoral fraud advocate.

Aniya, naniniwala siya na matagal nang naka-plano at naitakda ang mga panalo bago pa man magsimula ang botohan nitong Mayo 12.

“Sinabi ko na meron na silang set result. May result na sila bago pa nagsimula ang botohan. Ang sabi ko, 8 ang mananalo na kalyado ni Marcos, 3 kay President Duterte at isa si Imee Marcos. At ‘yan ang lumabas ngayon. So, I’m satisfied because nagkatotoo ang hula ko. Not because manghuhula ako, alam kong dadayain ni George Garcia at ni Lisa Marcos ang eleksyon na ito,” saad ni Atty. Glenn Chong, Anti-Electoral Fraud Advocate.

Maraming botante ang naglabas ng kanilang pagkadismaya dahil sa hindi pagkakatugma ng resulta sa inaasahan nila.

Paliwanag ni Atty. Glenn, kahit magkatugma ang balota at resibo ng botante, posibleng naipasok ang pandaraya sa back-end ng automated election system, isang proseso na mahirap makita ng publiko, poll watchers, o iba pang ahensiya maliban sa COMELEC.

“So dito makikita natin na pwede ang balota at resibo magtugma pero pagdating sa generation ng election return, pagpindot ng count the votes, generate AML results file, nandoon papasok ang daya. So that’s how as far as we can pinpoint kung saan ang daya posibleng mangyari,” giit nito.

Hindi rin ikinagulat ni Atty. Glenn Chong ang uniform na ranking ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa partial local results, na aniya’y kahawig ng kontrobersiyang naganap noong 2013 elections.

Matatandaan na si dating Tarlac Governor Margarita Guangco ay nai-rank na ika-28 sa lahat ng bayan sa Region 8 at ika-7 naman sa ibang rehiyon.

Kaya’t ayon sa kaniya, ang pattern at statistics na inilalabas ng COMELEC ay palatandaan ng posibleng pandaraya tulad ng nangyari sa kaso ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

“The best way that we can determine kung may daya is sa numbers, sa statistics tulad nitong ginawa ninyo ngayon, pinakita ninyo uniform si Pastor Quiboloy, 42 across a large number of places”

“That is statistical impaprobility, hindi gawa ng tao ‘yan so diyan ninyo nakikita ang budges of fraud, diyan nakikita ninyo ang smears, ang smudges ng pandaraya.”

“Ito hindi na ito gawa ng botante, hindi na ito gawa ng botante, gawa na ‘yan ng algorithm ng settings ng makina”

“Ang dayang automatiko, ang daya andoon sa loob ng makina ay hindi nakikita ng ating mga mata, kahit idilat pa natin lahat ng mata natin diyan wala tayong mahuhuli dahil ang daya ay nandoon sa loob ng makina,” aniya pa.

Dagdag pa ni Atty. Glenn, patuloy ang kontrobersiya sa bawat halalan lalo na’t bilyon-bilyong piso ang ginagastos ng gobyerno para dito.

“Saan ka, and we spend billions of pesos ito ngayon this is the most expensive election, we spend for 40 billion or a little 40 billion pesos siguro all in all, 18.2 billion rental lang ‘yan ng makina and this is what we got?” aniya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble