NAGSAMA-sama ang mga Duterte supporter and organization leaders sa isang leaders’ forum na pinamagatang DDS: Defend the Flag – Transparency, Accountability, Peace and Security (TAPS) sa Dumaguete City lalawigan ng Negros Oriental araw ng Sabado, Abril 6, 2024.
Kabilang sa mga naging resource person ay sina Ret. Navy Col. Rey Lopez na tinalakay ang kahalagahan ng kapayapaan at seguridad; ang anti election fraud advocate na si Atty. Glenn Chong at dating Palace Spokesperson Atty. Harry Roque na pinag-usapan ang patungkol sa transparency at accountability.
“Itong aking presentasyon ay aking ginawa upang mabuksan ang pag-iisip nating lahat. Isa itong presentasyon na bunga ng aking pagsasaliksik noong sinimulan ko ang Armed Forces Cyber Command,” ayon kay Rey Lopez, Retired Navy Colonel.
“Kung tama ang ating pagpili, tayong lahat ay papalarin dahil sa tama nating pagpili. Kung magkakamali naman tayo, tayo rin ay sama-samang magdusa. ‘Di ba?” wika ni Atty. Glenn Chong, Anti-Election Fraud Advocate.
Ayon sa mga ito, mahalagang maintindihan hindi lang ng mga taga-Negros Oriental kundi ng taumbayan sa buong bansa.
Ayon naman sa isa sa mga organizer ng pagtitipon na mula sa national, hanggang sa provincial ay ipakakalat din nila ang mga panawagang ito hanggang sa makaabot sa bawat komunidad.