SA kaniyang Facebook page, tinalakay ni Atty. Raul Lambino kung paano dapat gastusin ang utang ng bansa, o sa paraan na makakatulong sa ekonomiya ng bansa at siguradong kikita ang gobyerno.
“Magagandang mga tulay, magagandang mga highways, magagandang mga airports, seaports, subways. ‘Yan mga importanteng imprastraktura po yan.”
“Kasi makakatulong po ‘yan sa ekonomiya ng Pilipinas.”
“O kaya ‘yung uutangin naman ng bansa ay isasabak sa siguradong pagkakakitaan na negosyo, katulad ng pag-didrill ng langis, o kaya pagkakaroon ng power plants para ganoon ay magiging mura ‘yung kuryente at kikita pa ang gobyerno,” sabi ni Atty. Lambino
Editor’s Note: This article has been sourced from the PDP Laban Facebook Page.