Atty. Panelo, nanawagan sa SC na dinggin na ang mga kaso kaugnay sa 2025 national budget

Atty. Panelo, nanawagan sa SC na dinggin na ang mga kaso kaugnay sa 2025 national budget

MULING nanawagan si dating chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo sa Korte Suprema na dapat madinig na ang isyu tungkol sa 2025 national budget.

Ito’y para matuldukan na ang kuwestiyonableng pag fill-in sa blanks items sa isinagawang bicameral conference committee.

‘’Yung petition talaga, ay dapat dinggin ng Korte Suprema kasi talagang mali ang ginawa ng Kongreso dahil nag-fill in the blanks lang sila, hindi pupwede ‘yon. Against the constitutional procedure of passing a law. Hindi pwedeng dalawa o tatlong tao lamang ang gagawa ng final draft na hindi dadaan mismo doon sa dalawang sangay. Kailangan sila, lahat sila nagdidebate doon,’’ ayon kay Atty. Salvador Panelo.

Ani Panelo, magkakaroon talaga ng hindi magandang epekto sa Kamara kung hindi ito agad didinggin ng Korte Suprema.

Mensahe niya sa Kamara.

‘’Eh, baka, hindi niyo inayos ang inyong pamamahala, at tugunan ninyo ang pangangailangan ng bansa, baka magising na lang kayo, either nakakulong kayo or wala na kayo sa posisyon,’’ saad ni Atty. Panelo.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble