Atty. Panelo sa House Prosecution Panel: Ang tanong, aabot pa ba kayo ng June?

Atty. Panelo sa House Prosecution Panel: Ang tanong, aabot pa ba kayo ng June?

NAGHAIN ng mosyon ang House Prosecution Panel sa Senado para himukin na pasagutin si Vice President Sara Duterte sa kaniyang kinakaharap na impeachment case.

Pero ang Senado, muling nanindigan na hindi ito maaaring gawin hanggat naka-break ang Kongreso.

May sagot din sa House Prosecution Panel ang dating Chief Presidential Legal Counsel na si Atty. Salvador Panelo.

“Ang tanong, aabot pa ba kayo ng June?” tanong ni Atty. Salvador Panelo, Former Chief Presidential Legal Counsel.

Nitong Martes, Marso 25, naghain sina House Prosecutors Minority Leader 4Ps Party-list Rep. Marcelino Libanan at 1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez ng mosyon sa Senado para i-summon ang Pangalawang Pangulo.

Hiniling nila kay Senate President Francis “Chiz” Escudero, na tatayong presiding officer ng impeachment court na binubuo ng mga senador, na pasagutin sa loob ng sampung araw si VP Sara.

Muling iginiit ng House Prosecution Panel na dapat simulan agad ang impeachment trial alinsunod sa Saligang Batas.

Pero ang tugon ni Escudero, hindi ito maaaring gawin hanggat naka-break ang Kongreso.

Una na rin nitong sinabi na sa Hunyo pa masisimulan talakayin ang impeachment laban sa Bise.

Kaugnay rito, tanong ni Atty. Panelo ngayon kung aabot pa ba ng Hunyo ang mga nagsusulong ng impeachment laban kay VP Sara.

Aniya, dahil sa ginawang iligal na pag-aresto at pagsuko kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa International Criminal Court (ICC), ay kaliwa’t kanan na ngayon sa iba’t ibang panig ng bansa at maging sa ibayong-dagat ang mga isinagawang kilos-protesta para kundinahin ang naturang aksyon ng Marcos administration.

Babala pa ni Panelo…

“Baka hindi kayo makaabot ng June ‘di ba? Either ma-realized ninyo ang inyong kamalian at gumawa kayo ng hakbangin tungo sa pagbabalik ni Presidente Duterte eh baka the change of events that evolving not favorable to you,” giit ni Panelo.

Sa kabilang banda, sinabi ni VP Sara na nakahanda na ang kaniyang legal team para sa impeachment trial laban sa kaniya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble