Atty. Roque, mainam na maikonsidera ang tag-init na klima ng Pilipinas sa school calendar

Atty. Roque, mainam na maikonsidera ang tag-init na klima ng Pilipinas sa school calendar

MAGANDA na maging pareho ang school calendar ng Pilipinas sa international standard.

Sa karamihang bansa, magsisimula ang pasukan sa Setyembre ngunit noong hindi pa tumama ang pandemya ay Hunyo naman sa Pilipinas.

Sinabi ni Atty. Harry Roque na mainam ding maikonsidera ang tag-init na klima ng bansa lalo pa’t marami pa ang mga paaralan na walang aircon.

Ito’y para maiwasan ang mga ulat na nawawalan ng malay ang maraming mag-aaral dahil sa init.

Sa kabila nito ay naniniwala si Roque sa pahayag ni Vice President at DepEd Sec. Sara Duterte na pag-aaralan niya ang isyung ito.

Nauna nang iminungkahi ni Sen. Sherwin Gatchalian na ibalik sa nakagawiang pasukan sa Hunyo ang school calendar para maiwasan nga ang tag-init.

Kung matatandaan ay Agosto naman nagsisimula ang pasukan sa Pilipinas simula nang tumama ang COVID-19 pandemic.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter