NAKASISIGURO si Atty. Harry Roque na malinis ang Duterte administration kaugnay sa aberyang nangyari sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Kasunod ito aniya sa sinasabing dina-divert ni dating Department of Transportation (DOTr) Sec. Arthur Tugade ang 11-13 billion pesos na pondo para sa bagong radar system ng airport kung kaya’t “incompetent” o “outdated” ito.
Sinabi ni Atty. Roque, imbis na magsisihan, mainam na lang aniya na pag-aralan kung bakit nagkaaberya ang NAIA at sikaping hindi na ito maulit.
Ayon naman sa ilang report, nai-plug ng airport technicians ang 220-volt na radar system sa isang 380-volt power line, dahilan para masira ito.