Atty. Roque, ‘tanggap’ na ibinasura ang kaniyang Writ of Amparo

Atty. Roque, ‘tanggap’ na ibinasura ang kaniyang Writ of Amparo

TANGGAP na ng kampo ni Atty. Harry Roque ang desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang inihaing Writ of Amparo ng kaniyang anak na si Bianca.

Sa isang pahayag na ini-release, bagamat tinanggap ang desisyon hinggil sa Writ of Amparo ay umaasa pa rin silang papaboran ng korte ang ibang hiling nila.

Lalong-lalo na ang pagpapasilip sa imbestigasyon na ginagawa ng House Quad Committee hinggil sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa na anila’y hindi na ‘in aid of legislation’.

Nitong Setyembre nang i-file ni Bianca, ang anak ni Atty. Roque ang Writ of Amparo.

Ayon kay Bianca, inihain niya ito dahil nilabag na ng Quad Committee ng Kamara ang constitutional rights ng kaniyang ama dahil ipinag-utos na mai-detain ito nang hindi isinumite ni Atty. Roque ang kaniyang financial records.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble