MARIING iginiit ni National Youth Congress (NYC) Chairman Usec. Ronald Cardema na makailang beses na nilalabag ni dating COMELEC Commissioner Rowena Guanzon ang temporary restraining order (TRO) ng Supreme Court (SC) laban sa kanya.
Ayon kay Cardema, tahasang paglabag ang ginagawa ni Guanzon matapos makailang sabihin sa publiko at sa kanyang social media account na siya ay congresswoman na ng P3PWD Partylist.
Ngunit ayon kay Cardema, malinaw sa TRO ng Supreme Court na pinipigilan ang COMELEC na ipatupad ang substitution ni Guanzon sa party-list.
Inaatasan din ng SC ang Kamara na pigilan ang pag-upo ni Guanzon bilang kongresista hangga’t umiiral ang TRO.
At dahil dito, dapat sundin ni Guanzon ang TRO laban sa kanya at itigil na ang pag-insulto sa Supreme Court habang umiiral ito upang hindi ma-disbar.
Sa ngayon, wala pang sagot si Guanzon sa pagsita ni Cardema laban sa kanya.