MULING nagsalita si Atty. Ferdinand Topacio sa Laban Kasama ang Bayan Prayer Rally day 6 sa Liwasang Bonifacio, Maynila ngayong araw ng Marso 11, 2024.
Saad ni Atty. Topacio, pambihira aniya ang gobyernong ito dahil kung sino ang kakampi sila ang pinahihirapan, ‘yung kalaban ng sambayanan ‘yun pa ang kinakampihan,
Dagdag pa nito, ang namamayagpag doon sa Kamara ay ‘yung mga miyembro ng K-pop group na sina France Castro, Arlene Brosas, at Manuel Raul.
Mariin nitong sinabi na kung sinong tumindig laban sa droga na si Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ‘yun ang tinutuligsa.
Kung sinong naglinis ng komunista, dun sa kabundukan sa Davao, kung sinong nag-eexpose, ‘yung kababalaghan, pang-aabuso ng mga komunista, si Pastor Quiboloy at SMNI ay ‘yun ang kinakansela ang prangkisa.
At bukas aniya ay dudulog ito sa Kongreso upang ipagtanggol ang istasyon na SMNI na nagbibigay ng tunay na katotohanan.
Ang SMNI aniya ay hindi lamang nagbibigay ng ilaw ng katotohanan sa mga balita, hindi lamang lumalaban sa mga komunista kundi sa paghahatid ng Salita ng Diyos, ang plataporma ng ating pananampalataya.