Atty. Trixie Angeles, sinuspinde ng 6 na buwan sa pagka-abogado ng SC

Atty. Trixie Angeles, sinuspinde ng 6 na buwan sa pagka-abogado ng SC

SINUSPINDE ng Supreme Court (SC) ng anim na buwan ang dating tagapagsalita ng Palasyo na si Atty. Rose Beatrix ‘Trixie’ Angeles.

Ayon sa pahayag ng SC, nilabag ni Angeles ang Rule 8.01, Canon 8 ng Code of Professional Responsibility dahil sa umano’y paggamit ng mga salitang ‘grossly abusive and offensive, which are not befitting the dignity of the legal profession’.

Ito ay dahil sa walang habas na salita na ginamit nito sa kaniyang pleading sa korte sa isa niyang kliyente noong 2016.

Ayon sa complainant na si Atty. Roderick Manzano, nakakasakit at hindi akmang mga salita ang ginamit ni Angeles sa isinumite nitong pleading.

Kasama ni Angeles naman na bagama’t hindi sinuspinde ay na-reprimand naman ay si Atty. Ahmed Paglinawan.

Matatandaan na noong 2016 rin ay sinuspinde rin ng Korte Suprema si Trixie Angeles ng tatlong taon dahil sa kapabayaan sa kaniyang trabaho batay sa reklamong inihain ni Magdalo Officer Capt. Cleo Dongga-As.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter