Atty. Trixie Cruz-Angeles inalala ang kabutihan ni FPRRD

Atty. Trixie Cruz-Angeles inalala ang kabutihan ni FPRRD

EMOSYONAL na inalala ni Atty. Trixie Cruz-Angeles, dating press secretary ang kabutihan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ikinuwento ni Angeles na noong pmunta siya sa Davao ay personal na pinasalamatan ni Pangulong Duterte ang kanilang pagkakaibigan.

Ngayon tumayo si Angeles sa “Bring Him Home: A Prayer for Tatay Digong” prayer rally para kay dating Pangulong Duterte sa Liwasang Bonifacio, Maynila  at siya naman ang nagpahayag ng kaniyang taus-pusong pagpapasalamat.

“Sir, ito iyong pasasalamat ko. Sir, maraming salamat ikaw iyong bukod- tanging pangulo na naawa sa presyo ng bigas na hindi kaya ng mga Pilipino, naawa sa mga driver na pabalik-balik na kumuha ng kanilang driver’s license, naawa sa pumipila sa DFA para makakuha ng kanilang passport,” pahayag ni Atty. Trixie Cruz-Angeles, Dating Press Secretary.

Binigyang-diin din niya na sa loob ng anim na taon na naging Pangulo si Duterte ay malaya nang nakakalabas ang kaniyang mga anak sa kalye dahil walang harassment, walang hold-up, at matitino ang mga taxi driver.

“Sa 6 na taon, inalagaan mo kami kaya deserving ka naming tawaging Tatay. Sir thank you for the friendship,” emosyonal niyang pagpapasalamat sa dating Pangulo ng Pilipinas.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble