NAGPAHAYAG ng kaniyang sariling hinaing ang dating Presidential Communications Secretary na si Atty. Trixie Cruz-Angeles sa ginanap na Laban Kasama ang Bayan Prayer Rally sa Liwasang Bonifacio, Maynila.
Ayon kay Atty. Angeles, isa siya sa mga biktima ng Marcos administration sa kadahilanang tinanggal siya sa puwesto ng wala pang dalawang buwan at wala naman aniya siyang kasalanang direkta para tanggalin sa trabaho.
Nagbigay siya ng pahayag tungkol sa mga nangyayaring katiwalian ngayon sa gobyerno at inisa-isa ang mga sinabing pangako ni PBBM para sa mga Pilipino at hindi pa nakaka-dalawang taon sa termino ay tila nakalimutan na ito.
Sinabi nito sa huli na nagagalak siya dahil nakikita niya na may kasama siyang makikiisa na lumalaban para sa bayan.