NANANATILING positibo sa pakikipag-ugnayan sa bansa si Australia Trade Minister Don Farrell.
Sa kabila ito ng pagkakaroon ng posibleng global economic slowdown.
Sinabi ni Farrell, ang pagkakaroon ng bilateral free trade agreement sa Australia ay makakabenepisyo sa sektor ng mineral at agrikultura.
Noong taong 2021, ang 2-way trade sa pagitan ng Australia at Pilipinas ay umabot ng $6.2-B.
Ang two-way trade sa Vietnam at Australia ay $180-B habang $25-B sa pagitan ng Australia at Thailand.