Australia, planong palakasin ang digital health capability ng healthcare workforce

Australia, planong palakasin ang digital health capability ng healthcare workforce

NAKIKIPAG-ugnayan ang Australia Digital Health Agency (ADHA) sa Australian Institute of Digital Health (AIDH) para itatag ang kapabilidad ng healthcare workforce ng bansa sa digital health.

Inilabas na ng ahensya ang capability action plan nito na nagtatalaga ng mga aksyon para makuha ang layunin nitong digital capability.

Ayon sa ADHA, ang digital health ay malaking tulong para kaharapin ang mga pagsubok sa tumatandang populasyon.

Noong nakaraang taon naglabas ang AIDH ng 4-year strategic plan for health workforce reform nito na naglalayong panatilihin ang pag-unlad sa digital health sa kabila ng pandemya.

Ang mga manggagawa naman sa nursing at midwifery sector ay nasa proseso na ng pagpapataas ng skill para sa taong 2020.

Follow SMNI NEWS in Twitter