POSIBLENG magpadala ng tropa ang Australia sa Ukraine upang tulungan ang Armed Forces ng bansa kasunod ng mga pag-atake ng Russia sa Kyiv.
Naglunsad ng sunod-sunod na missiles sa Kyiv ang Russia na ayon kay Russian President Vladimir Putin ay aksyon lamang ng bansa sa pagpapasabog ng Ukraine sa Crimean Bridge na ginagamit ng Moscow para suplayan ang militar nito.
Ayon kay Australian Defense Minister Richard Marles kasama nito ang Ukraine Ambassador to Australia na si Vasyl Myroshnychenko nang lumabas ang mga balita ukol sa pagpapasabog sa Kyiv.
Sa ngayon ay nagsuplay naman ng extra weapons ang bansa sa Ukraine.
Inihayag naman ni Opposition Leader Peter Dutton na karapat-dapat lamang na tumanggap ng Ukraine ng suporta at dapat ay talagang makinig ang gobyerno.