Automatic income classification, isinusulong ni Sen. Win Gatchalian

Automatic income classification, isinusulong ni Sen. Win Gatchalian

ISINUSULONG ngayon ni Senator Win Gatchalian ang panukalang ‘automatic income classification’ ng mga local government units (LGUs).

Layunin ng nasabing panukala na mas mapabuti pa ang serbisyo ng mga LGU sa kani-kanilang mga nasasakupan, at malutas ang ligal na opinyon hinggil sa income classification ng mga LGU na nakasaad sa section 9 ng Executive Order No. 249 series of 1987.

Ang automatic income classification ay magsisilbing batayan ng pamahalaan para matukoy ang mga tulong na kinakailangan ng administratibo at pinansiyal sa mga lokal na pamahalaan.

Kasabay ang pagsiyasat kung may kakayahan ba itong magsagawa ng priority projects, at magpatutupad ng mga batas at polisiya na may kinalaman sa suweldo at mga benepisyo ng mga lokal na opisyal at mga tauhan nila ang mga LGU.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter