Average price sa bigas, bumaba sa P5/kg—DTI

Average price sa bigas, bumaba sa P5/kg—DTI

KINUMPIRMA ng Department of Trade and Industry (DTI) na bumababa na ang average price ng bigas sa merkado.

Ayon sa kay DTI Director Fhillip Sawali, nasa P5/kg ang ibinaba ng average price ng regular milled at well milled rice simula nitong Huwebes, Setyembre 21.

Ang average price kasi sa bigas bago paman ipatupad ang price cap ay nasa P47/kg ang regular milled (RMR) at P50/kg naman sa at well milled rice (WMR).

Sinabi pa ni Sawali, ngayong nasa ikatlong linggo na matapos ang price cap ay nararamdaman na ang pagbaba sa average price sa bigas.

Dahil dito, posibleng magbibigay na ng rekomendasyon sa susunod na linggo ang DTI at Department of Agriculture (DA) kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. kung napapanahon nang tanggalin ang price ceiling sa bigas.

Ilan aniya sa mga konsiderasyon ay kung bumaba na ba ang presyo ng bigas, compliance rate sa price ceiling, at kung may pumapasok nang mas maraming supply ng bigas.

Follow SMNI NEWS on Twitter