NASAWI ang 19-anyos na babaeng estudyante matapos makaladkad ng trailer truck sa Lake Sebu, South Cotabato.
Kinilala ang biktima na si Arjerine Enricos.
Ayon sa pulisya, habang papaliko sa kalsada, lumagpas ito sa linya at bumangga sa kasalubong na truck na minamaneho ni Jesson Frigillana, 36-anyos.
Tumilapon sa tulay ang biktima at idineklarang dead on arrival sa ospital.
Nakatakda namang sampahan ng kaso ang driver ng truck.