Babaeng suspek na sangkot sa carnapping, arestado ng QCPD Station 1

Babaeng suspek na sangkot sa carnapping, arestado ng QCPD Station 1

INARESTO ng Quezon City Police District (QCPD) La Loma Police Station (PS 1) ang suspek na sangkot sa carnapping incident sa Quezon City nito lang Hulyo 8, 2024.

Nakilala ang babae na si Tweenie Salas, 22, taong gulang.

Batay sa paunang ulat, ipinarada ng biktima na Chinese national ang kaniyang pickup truck sa harap ng kanilang tirahan sa No. 14 Common Street, Brgy. Manresa, Quezon City, ngunit iniwan ito nang walang bantay.

Sa pagbalik nito, natuklasan ng biktima na ninakaw ang kaniyang sasakyan. Kalaunan ay nakatanggap ng mensahe ang biktima mula sa suspek at nanghingi ng pera kapalit ng pagbabalik ng sasakyan, at nagkasa na mag-usap sa Starbucks Caffe na matatagpuan sa Banawe St. Corner Calamba St, Brgy.  Lourdes, Quezon City at narekober sa suspek ang isang GMW Cannon Slux pickup truck.

Mahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag ng R.A. 10883, o kilala bilang New Anti Carnapping Act of 2016, sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble