MALAPIT na ngang ma-experience hindi sa Japan, kundi dito sa Pilipinas, ang kawaii metal band na BABYMETAL. Naka-set na ang kanilang ‘BABYMETAL WORLD TOUR 2025-2026 IN ASIA’ sa Araneta Coliseum sa Oktubre 8 ngayong taon.
Binubuo nina Suzuka Nakamoto, Moa Kikuchi, at Momoko Okazaki, ihahatid nila ang kanilang sweet-chaotic, live heavy metal at groundbreaking performance na talagang nakaka-shookt.
Ang concert ay ihahatid ng concert organizer na PULP Live World.
Para sa ticket sale, magsisimula ito sa Hunyo 14, 12pm sa pamamagitan ng ticketnetpm outlets nationwide o kaya naman online, sa ticketnet.com.ph.