KASAMA ang Pilipinas sa Asian leg ng “Lonsdaleite” tour ng main vocalist ng EXO na si Byun Baekhyun.
Sa anunsiyo, Abril 13 sa Araneta Coliseum gaganapin ang kaniyang solo concert.
Una nang pumunta sa Pilipinas si Baekhyun noong Hunyo 2023 sa Araneta Coliseum pa rin para sa Overpass: K-pop concert kasama ang soloist na si Jeon Somi at former iKON member na si B.I.
Samantala, sa Hunyo 1 ay tutungo naman si I.U. sa bansa para sa kaniyang H.E.R. world tour.
Gaganapin ang concert sa Philippine Arena.
Kaugnay rito, sa Enero 24 ay ilalabas ng singer ang isang kantang may pamagat na “Love wins all” kung saan tampok dito si V ng BTS.