Bagong casts ng “Squid Game” Season 2, inanunsiyo na

Bagong casts ng “Squid Game” Season 2, inanunsiyo na

MAGKAKAROON ng bago subalit pamilyar na mga cast ang South Korean survival drama na “Squid Game”.

Batay sa anunsiyo ng social media pages ng Netflix content, makakasama na sa panibagong season sina Yim Si-wan, Kang Haneul, Park Sung-hoon, at Yang Dong-geun.

Matatandaang si Yim Si-wan ay member ng South Korean boy group na ZE:A at naging tampok sa K-drama na “Run On” at “Unlocked”.

Si Kang Haneul naman ay tampok sa “The Heirs”, “When The Camellia Blooms”.

Si Park Sung-hoon ay tampok sa “The Glory”.

Si Yang Dong-geun ay isang hip-hop artist at aktor na tampok sa “Cheer Up”, at “Yaksha: Ruthless Operations”.

Samantala, ang mga dating tampok na ng unang season gaya nina Lee Jung-hae at Wi Ha-jun at maging sina Lee Byung-hun at Gong Yoo ay magbabalik sa pangalawang season.

Ang “Squid Game” ay ang kauna-unahang non-English language drama series na nai-nominate para sa top drama category sa 2022 Emmys.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter