NANGAKONG hindi bibiguin ng bagong commanding general ng Philippine Army na si Lt. Gen. Roy Galido ang Pangulo.
“I will not fail you”
Ito ang matapang na pahayag ni Galido sa harapan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa turn over ceremony nito sa Philippine Army National Headquarters Fort Bonifacio, Taguig City.
Sa ilalim ng kaniyang pahayag, aminado ang heneral na hindi basta-basta ang hamon na kaniyang kahaharapin bilang pinuno ng mahigit sa 100 libong kasundaluhan sa bansa.
Sa kabila nito, naniniwala si Galido na hindi niya magagawa ang lahat ng kaniyang tungkulin kung wala ang payo at gabay ng Pangulo sa kaniya.
Sa huli, personal na nagpasalamat si General Galido sa mga pangunahing personalidad na naging bahagi ng kaniyang tagumpay bilang isang sundalo kasabay ng pangakong pagbabago sa ilang sistema ng Philippine Army, sustainabillity ng mga sundalo gaya ng mga pagsasanay laban sa mga kaaway ng pamahalaan at maging kapaki-pakinabang at maasahan na public servants.