Bagong eroplano ng PH Air Force, nakahanda nang ideploy—Defense chief

Bagong eroplano ng PH Air Force, nakahanda nang ideploy—Defense chief

C

Nakahanda nang ideploy ang bagong C-208B Aircraft ng Philippine Air Force sa alinmang bahagi ng bansa.

 

NAKAHANDA nang ideploy ang bagong C-208B Aircraft ng Philippine Air Force sa alinmang bahagi ng bansa.

Ito ang inihayag ni Defense Secretary Gilberto Teodoro, Jr. sa panayam sa Clark Air Base sa Mabalacat City, Pampanga.

Ayon kay Teodoro, ang eroplano ay mayroong surveillance at sensor camera na maaaring makatulong sa pagpapalakas ng surveillance capabilities ng militar.

Gayundin sa pagsasagawa ng rapid damage assessment and needs analysis.

Mayroon din ang eroplano na upgraded integrated flight deck, audio panel, center console, audio control panels, cockpit displays, airborne sensor operators console, inertial navigation system, video encoder, at datalink.

Nagkakahalaga ng mahigit 17 milyong dolyar ang eroplano na napasakamay ng Pilipinas sa pamamagitan ng Grant Programs ng Estados Unidos sa ilalim ng Foreign Military Sales (FMS) Program.

Nabatid na ito ang ikatlong donasyon ng Amerika kung saan ang unang dalawang eroplano ay dumating noong Hulyo 2017.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble