Bagong pinuno ng PCO, nanumpa na sa tungkulin

Bagong pinuno ng PCO, nanumpa na sa tungkulin

NANUMPA na sa tungkulin bilang ad interim secretary ng Presidential Communications Office (PCO) si Jay Ruiz.

Ginanap ang oathtaking sa Palasyo ng Malakanyang ngayong umaga ng Lunes, ika-24 ng Pebrero.

Kasama rin sa nanumpa sa tungkulin si Atty. Claire Castro bilang bagong undersecretary ng PCO.

Si Castro ay itinalaga rin bilang Palace Press Officer.

Samantala, nitong umaga rin ay nagsagawa na ng bilateral meeting kasama si Palau President Surangel Whipps Jr. sa Malakanyang kasabay ng kanyang two-day official visit sa Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter