NAKAKASAMA sa mga kabataang lalaki at babae sa Afghanistan ang educational policies na ipinapatupad ng Taliban.
Ayon sa Human Rights Watch, ipinagbabawal ng Taliban ang mga babae na magpatuloy sa kanilang pag-aaral.
Ang hindi pagkawala naman ng mga babaeng guro sa mga boys school ay nagdudulot na rin ng takot sa mga mag-aaral na lalaki na pumasok sa mga paaralan.
Mataas din ang datos ng mga parusang ipinapataw ng mga Taliban sa mga mag-aaral na lalaki ayon sa Human Rights Watch.
Noong Setyembre ay sinabi ng India na nakahanda silang tumulong sa Afghanistan sa larangan ng edukasyon.
Ayon kay India Permanent Representative to the United Nations Ruchira Kamboj, ito’y dahil nakikita nila ang kahirapang nararanasan ngayon ng mga Afghan lalong-lalo na ang mga kababaihan kaugnay sa pag-aaral.
Matatandaang nasa 1-M kababaihan sa Afghanistan ang apektado dahil ipinagbabawal ng Taliban na makapagpatuloy sila sa pag-aaral.