NAGSIMULA nang bumiyahe ang dalawang bus sa bagong ruta ng ‘Libreng Sakay’ program ng Office of the Vice President (OVP).
Ito ay matapos pormal nang inilunsad ng OVP ang programa, katuwang ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Quezon City government at JAC Liner sa ginanap na ceremonial blessing sa dalawang bus.
Ang magiging bagong ruta ng bus ay mula sa Doña Carmen babiyahe ang mga bus sa Commonwealth Avenue, Quezon City hanggang Quiapo Church sa Quiapo, Manila at vice versa.
Maliban sa Manila, mayroon ding tig-isang bus sa Davao City, Cebu City, at Bacolod City.
Layunin ng nasabing programa na matulungan ang mga commuters na maibsan ang kanilang pagko-commute papunta sa kanilang mga trabaho at iba pang lugar.