Bagyong Auring nasa labas na ng PH Area of Responsibility

Bagyong Auring nasa labas na ng PH Area of Responsibility

HUMINA na ang Bagyong Auring at isa na lang itong low-pressure area (LPA) ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa 4am bulletin din ng state weather bureau, nasa labas na ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Kaugnay rito ay tatlong weather system ang nagdadala ng kalat-kalat na pag-ulan at pag-kidlat-pagkulog sa ilang bahagi ng bansa.

Sa Batanes, ang trough o ang extension ng LPA ang nagdudulot ng masamang panahon.

Sa Ilocos Region at Babuyan Islands, ang Habagat (Southwest Monsoon) ang dahilan.

Habang sa Surigao del Sur at Davao Oriental, ang easterlies o mainit na hanging nagmumula sa Pacific Ocean ang nagdadala ng sama ng panahon.

Ibinabala na ng PAGASA na ang katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan sa mga lugar na ito ay maaaring magdulot ng flash floods o landslides.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble