LALONG lumakas ang Bagyong Egay habang kumikilos ito patungong silangan ng Baler Aurora ngayong umaga ng Lunes.
Nagdadala ito ng malakas ng pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), namataan ang Egay sa layong 565km sa silangan ng Baler Aurora kaninang 4:00 ng umaga.
Nakataas ang Signal No. 2 sa ilang bahagi ng Southeastern ng Isabela at northeastern ng Catanduanes.
Signal No.1 naman sa ilang lugar sa Luzon at Visayas.