TULUYAN nang naging Super Typhoon ang Bagyong Leon.
Taglay nito ang hanging aabot 185 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugso naman na aabot sa 230 kilometro kada oras.
Kumikilos naman ito pa-kanluran hilagang kanluran o west northwestward sa bilis na 10 kilometro kada oras.
Sa kabila nito ay inaasahang aalis na ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR) Huwebes ng gabi, Oktubre 31 o sa Biyernes, Nobyembre 1.
Follow SMNI News on Rumble