Bagyong Odette, lumakas pa sa typhoon category; Signal Number 2, nakataas sa 2 probinsiya ng Surigao

LUMAKAS pa sa typhoon category ang Bagyong Odette habang kumikilos pakanluran sa Philippine Sea silangan ng Mindanao.

Sa 11AM tropical cyclone bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 590 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot asa 120 kilometro kada oras malapit sa gitna at pabugsong umaabot sa 150 kilometro kada oras.

Kumikilos ang bagyo pakanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.

Nakataas naman ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa eastern portion ng Surigao del Norte at Surigao del Sur.

Habang Signal Number 1 naman sa Sorsogon, Masbate, southern portion ng Romblon, Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Leyte, Biliran, Southern Leyte, Bohol, Cebu, Negros Oriental, Negros Occidental, Siquijor, Iloilo, Capiz, Aklan, Antique at Guimaras.

Maging sa Agusan del Sur, Agusan del Norte, natitiranag bahagi ng Surigao del Norte, Dinagat Islands, northern portion ng Bukidnon, Misamis Oriental, Camiguin, northern portion ng Misamis Occidental at northern portion ng Zamboanga del Norte.

Sa forecast track, inaasahang maglaland-fall ang sentro ng bagyo sa binisidad ng CARAGA o Eastern Visayas bukas ng hapon o gabi.

BASAHIN: Mga magsasaka, pinahahanda sa darating na Bagyong Odette

           Cebu Pacific, kinakansela ang anim na flights na naka-iskedyul sa Disyembre 16

SMNI NEWS