Bagyong Paeng walang malalang pinsala sa health facilities –DOH

Bagyong Paeng walang malalang pinsala sa health facilities –DOH

INIHAYAG ng Department of Health (DOH) na walang malalang pinsalang idinulot ang Bagyong Paeng pagdating sa kanilang mga health facility.

Ayon kay DOH Health Emergency Management Bureau Director, Dr. Bernadett Velasco, minor damages lang ang naiulat sa kanila tulad ng pagkasira ng bubong.

Sa ngayon ay naghihintay sila ng mga final report mula sa mga regional office para malaman kung anong tulong ang maaring ibigay ng national government sa kanila.

Samantala, tiniyak naman ng DOH ang tuluy-tuloy na pagbibigay ng medical assistance at health services sa mga nasalanta na ngayon ay nanatiling nasa mga evacuation center.

Ayon kay Velasco, nakapagpadala na sila ng mga assorted medicines tulad ng paracemetamol, hygiene kits at iba pa.

 

Follow SMNI News on Twitter