Bagyong papasok sa bansa bago matapos ang 2024, posibleng nasa 6 pa— PAGASA

Bagyong papasok sa bansa bago matapos ang 2024, posibleng nasa 6 pa— PAGASA

SINABI ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na posibleng aabot pa sa anim na bagyo ang papasok sa bansa bago matapos ang taong 2024.

Ayon kay PAGASA Assistant Weather Services Chief Chris Perez, ngayong Nobyembre, nasa apat na landas ang posibleng tatahakin ng tropical cyclones na papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Sa tansya rin ng state weather bureau, ang mga mabubuong bagyo sa huling bahagi ng taon ay posibleng mas malakas kumpara sa mga dumating na sa unang bahagi ng 2024.

Kung matatandaan, ang Bagyong Rolly na nanalasa noong Oktubre 2020; Bagyong Ulysses na nanalasa noong Nobyembre 2020; at Bagyong Odette na nanalasa noong Disyembre 2021 ay mga malalakas na uri ng bagyo at bumisita sa bansa sa ikalawang bahagi ng taon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble